magtatapos na ang sem...madaming bagong samahan ang nabuo, madaming lumang samahan ang nagkalumot...pero bago tayo magkahiwahiwalay, nais kong sabihin sa inyo na salamat....salamat sa lahat ng tawanan, iyakan, murahan, sigawan, tampuhan, at pagmamahalan na nadama ko mula sa inyo...kayo...cas-02-101-A...grabeng experience to! ibang klaseng hardcore~ xD
Anyways, siguradong mamimiss natin ang isa't isa...oo kahit ung mga kinaiinisan nio mamimiss nio padin (uuuy wag plastik... xempre mamimiss nio sila kasi mamimiss nio silang kainisan dba? xDD wuhahaha) pero eto ang tandaan nio WALANG MAGBABAGO SA 1ST YIR KABIO NA NAKILALA KO kahit san man kayo mapadpad tayo padin ang orig...magkalaglagas man tayo andito parin kami...para sa mga aalis andito kami kung gusto niong bumalik (mahirap nga lang bumalik academically..pero in means of inspirational, emotional, intellectual, and sociological support mdali lang yan XDD)..sama sama natin paring haharapin ang takbo ng college life..
Alam kong mdaming isyu na nabuo nitong first sem plang..pero ung mga isyung un..lalo na ung mga super seryoso..sana matutong magpatawad at ung mga papatawarin lumunok ng pride...lam nio, pride destroys wellbeing...at sana dun sa mga taong, well, may pagka laitera at laitero, being a good human being means knowing when to shut ur mouth...sana matutunan natin un sa second sem...
kung nagugulat kayo sa mga sinasabi ko wag kaung magulat.. marahil nagiisip kayo, hala eh minsan lang pumasok si iris pake nia sa mga nanyayari? uu nga minsan lang ako pumasok...pero observative ako...mayabang ba ang dating sayo? nako isa yan sa mga naobserbahan ko...di pagyayabang un it's just telling the truth..
ANg turing ko sa bio ay isang pamilya....isang sanctuary..isang place, at grupo ng tao na maituturing kong mga pinakamamahal ko pangalawa sa aking mga magulang at tunay na pamilya...oo atheist ako sa mga nagtatanong...pero di ko binabastos si God niyo gaya ng iniisip niyo..ayoko lang mag isip at umasa sa mga unanswered prayers...o wag kaung mgalet. Trust me, alam ko kung pano magdasal noon at ilang beses ko nang gnwa un...sobra sobrang pagdadasal...wag niyo nang tanungin kung bket ako ngng atheist..sinagot ko na ung tanong mo ah..lam mo na kung sino ka...pero di ko sasabihin kung bket.
So hindi pa nga pla tapos ang sem (sa ngayon), pero sinusulat ko na to. Ayoko kasing maapektuhan ang pananaw ko ng mga magiging grades ko. Hindi ko pa man nakikita alam kong hindi yon aayon sa expectations ko. Kinakabahan ako, oo, kasi alam kong dapat akong kabahan. Paranoid ba kamo? Hindi din; minsan na kasing may nagsabi sa akin na ako lang daw mismo sa sarili ko ang nakakaalam kung dapat ba akong kabahan o hindi. Tama siya, ako nga lang ang nakakaalam; ako nga lang ang nakakaalam na hindi ko nagawa ang lahat ng kaya kong gawin. Naging petiks ako; at ngayon napatunayan ko sa sarili ko na hindi pala petiks ang college life...at kaya mo palang maging seryoso and have fun at the same time.. Kasi kung tutuusin wla pa sa kalingkingan ung mga pinagaaralan naten sa mga pinagaaralan ko nung hs...kayabangan? hindi, sinasabi ko nga na sana kung nde ako nging petiks edi wla akong proproblemahin...kung nde ako nging petiks edi sana ngayon papetiks petiks nlng ako...gets? o sige nakakahilo na yun haha~!~!.
Marami aKOng natutunan, sana kayo din; natutunan kong hindi pala talaga gaya ng mga pelikulang tulad ng 'Bagets' at mga college sitcoms ang college life. Walang malakas na tugtugan, walang mala-high school musical na production numbers at higit sa lahat, walang mga monster geniuses na hindi nakikinig sa prof pag lecture tapos pag tinawag sa recitation nung araw din na yun eh alam ang sagot. Kailangan ko pa atang magpakagat sa isang radioactive na gagamba para lang magkaroon ng ganung super senses. How I wish...
Yun lang muna...may part two pa to..kaso inaatake nanaman ako ni pareng katamaran...sana natutunan nio ding gumawa ng improvised na seatbelt sa ride na tinatawag kong RTU...kasi kung nde, wla kaung laban kay pareng inertia at sa asawa niang si gravity...dahil napatunayan kong nde pala kaya ng centrifugal at centripetal force na pantayan ang pagsasanib kame hame wave nila...
I love you guys...
-Iris
Tuesday, October 20, 2009
To all My beloved Friends
Posted by shiRoi eClipse at 7:49 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment