Pera
Yan naman ang parating problema ng mga tao sa mundo, at halos lahat ng krimen, problema, kalungkutan, at kahit sino man, diyan nag-uugat. Sa simpleng papel na may sukat, kakaibang amoy, at kakaibang mga sulat. Sa simpleng papel na yun, umiikot ang buhay ng tao. Imbis na tayong mga nilalang na gumagalaw at may sariling isip ang nagpapatakbo ng buhay natin, nadadaig tayo ng bagay ng tayo rin naman ang gumawa na kung tutuusin e pwede naman tayong mabuhay ng wala (yun eh kung lahat ng tao walang pera pero kung ikaw lang ang walang pera gudlak sayo xDD0
Teka teka...bago yang mga violet, este violent reactions niyo basahin niyo muna to ng buo; hindi naman kasama sa 3 basic needs ng tao ang pera ah (para sa mga batang ages 3 and below o mga taong may utak na pang ages 3 and below, ang 3 basic needs po ay food, clothing, and shelter). Pero kung ang inaangal niyo eh "diba kelangan ng pera para dun" ang sagot ay OO. Pero bakit ang mga sinaunang tao nabuhay ng walang pera? Sila ang nagproproduce ng mga kailangan nila para sa sarili nila; kahit naman nung panahon ng sistemang barter di ba? Palitan lang ng merchandise?
Kitams! Kaya lang naman nagkaroon din ng polusyon ay dahil sa mga bagay na binibili ng pera. Para sa gawaing nabibili ng pera. Para sa sitwasyong nabibili ng pera. Imagine; nasa yo na lahat ng bagay na pwedeng bilhin ng pera sa mundo at may pera ka pa...tapos nun ano? ano na? wala lang mayaman ka lang. Pag namatay ka ba mabibili mo ba kay god yung posisyon mo sa langit? May hinihingi bang entrance fee si San Pedro para makapasok ka sa gate? Alam ko wala naman diba? Alam ko kasi wala nang kailangang bilhin dun; wala nang kurakot, wala nang nasisilaw sa papel na yun. Lahat libre, lahat maayos, walang sugapa.
Kung tutuusin, masasabi kong nagawa lang naman ang pera dahil sa mga taong sugapa sa mga bagay. Yun bang mga taong greeedy? Tung mga taong walang pakielam sa ibang taong may pangangailangan. kaya yun sigurong taong nagimbento ng pera inisip lang siguro niya yung kapakanan nung mga taong napagiiwanan. Kaso naabuso nanaman ng reincarnation ng mga garapal noon ang pera ngayon. Naabuso kaya naging masama..parang telenobela lang
Tama na nga andrama na tuloy. Ewan ko ba kung bakit ako problemado din sa pera
Epekto ata ng recession xDD
O! dahil nagbasa ka may tax; 20 pesos per word. O, angal ka? eh copyrighted to eh!
diba nakakatakot makasalamuha ng taong ganid sa pera?
pano pa kaya kung ikaw mismo yun?
Tandaan, kasama sa seven deadly sins ang GREED xD