CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Sunday, January 16, 2011

Random Thoughts...

-If the world is black, how would we know the good ones from the bad ones?


-Kung pwede lang talagang pumatay at magpakulong ng mga taong kumakanta kahit alam nilang sintunado sila (at feel na feel pa ah!) malamang puno na kulungan at pasig river ngaun :3

-Nakakatawa naman, yung mapamintas sa kapwa sa loob loob pala nila naiingit pa pala sila sa mga pinipintasan nila...just sayin'~

-Sometimes, soulmates are not meant to be as lovers, but as friends; a very close friend who can understand and love you more than a friend but just short of a lover

-Minsan naiisip ko, sana may isang araw na matahimik ang mundo, yun bang sa sobrang tahimik e maririnig ko lang eh yung hangin, tubig, mga ibon at natural sounds? Nakakaurat na kasi na araw araw ganito naririnig ko. nakakasawa na, minsan gusto ko nang mabingi, pero hindi pwede yun kasi hindi ko na maririnig ung TVXQ *uyeh....keep your head dooownnn~~~*

Nakakatawa kasi antagal tgal ko na hindi nagsusulat dito, natatawa na lang ako sa mga nasulat ko at nakita ko kung pano ako magisip noon...pagiisip na sa sobrang kabataan eh hindi pa masyadong nakikita ang kahulugan ng mga bagay bagay. Marahil bata pa rin ako hanggang ngayon, pero masasabi ko na marami nakong naranasan at nalaman sa buhay na hindi matutumbasan ng ice cream at lobo lamang ^^

Maghanda na madlang pipol, nagbabalik na ang baliw...

Tuesday, October 20, 2009

To all My beloved Friends

magtatapos na ang sem...madaming bagong samahan ang nabuo, madaming lumang samahan ang nagkalumot...pero bago tayo magkahiwahiwalay, nais kong sabihin sa inyo na salamat....salamat sa lahat ng tawanan, iyakan, murahan, sigawan, tampuhan, at pagmamahalan na nadama ko mula sa inyo...kayo...cas-02-101-A...grabeng experience to! ibang klaseng hardcore~ xD

Anyways, siguradong mamimiss natin ang isa't isa...oo kahit ung mga kinaiinisan nio mamimiss nio padin (uuuy wag plastik... xempre mamimiss nio sila kasi mamimiss nio silang kainisan dba? xDD wuhahaha) pero eto ang tandaan nio WALANG MAGBABAGO SA 1ST YIR KABIO NA NAKILALA KO kahit san man kayo mapadpad tayo padin ang orig...magkalaglagas man tayo andito parin kami...para sa mga aalis andito kami kung gusto niong bumalik (mahirap nga lang bumalik academically..pero in means of inspirational, emotional, intellectual, and sociological support mdali lang yan XDD)..sama sama natin paring haharapin ang takbo ng college life..

Alam kong mdaming isyu na nabuo nitong first sem plang..pero ung mga isyung un..lalo na ung mga super seryoso..sana matutong magpatawad at ung mga papatawarin lumunok ng pride...lam nio, pride destroys wellbeing...at sana dun sa mga taong, well, may pagka laitera at laitero, being a good human being means knowing when to shut ur mouth...sana matutunan natin un sa second sem...

kung nagugulat kayo sa mga sinasabi ko wag kaung magulat.. marahil nagiisip kayo, hala eh minsan lang pumasok si iris pake nia sa mga nanyayari? uu nga minsan lang ako pumasok...pero observative ako...mayabang ba ang dating sayo? nako isa yan sa mga naobserbahan ko...di pagyayabang un it's just telling the truth..

ANg turing ko sa bio ay isang pamilya....isang sanctuary..isang place, at grupo ng tao na maituturing kong mga pinakamamahal ko pangalawa sa aking mga magulang at tunay na pamilya...oo atheist ako sa mga nagtatanong...pero di ko binabastos si God niyo gaya ng iniisip niyo..ayoko lang mag isip at umasa sa mga unanswered prayers...o wag kaung mgalet. Trust me, alam ko kung pano magdasal noon at ilang beses ko nang gnwa un...sobra sobrang pagdadasal...wag niyo nang tanungin kung bket ako ngng atheist..sinagot ko na ung tanong mo ah..lam mo na kung sino ka...pero di ko sasabihin kung bket.

So hindi pa nga pla tapos ang sem (sa ngayon), pero sinusulat ko na to. Ayoko kasing maapektuhan ang pananaw ko ng mga magiging grades ko. Hindi ko pa man nakikita alam kong hindi yon aayon sa expectations ko. Kinakabahan ako, oo, kasi alam kong dapat akong kabahan. Paranoid ba kamo? Hindi din; minsan na kasing may nagsabi sa akin na ako lang daw mismo sa sarili ko ang nakakaalam kung dapat ba akong kabahan o hindi. Tama siya, ako nga lang ang nakakaalam; ako nga lang ang nakakaalam na hindi ko nagawa ang lahat ng kaya kong gawin. Naging petiks ako; at ngayon napatunayan ko sa sarili ko na hindi pala petiks ang college life...at kaya mo palang maging seryoso and have fun at the same time.. Kasi kung tutuusin wla pa sa kalingkingan ung mga pinagaaralan naten sa mga pinagaaralan ko nung hs...kayabangan? hindi, sinasabi ko nga na sana kung nde ako nging petiks edi wla akong proproblemahin...kung nde ako nging petiks edi sana ngayon papetiks petiks nlng ako...gets? o sige nakakahilo na yun haha~!~!.

Marami aKOng natutunan, sana kayo din; natutunan kong hindi pala talaga gaya ng mga pelikulang tulad ng 'Bagets' at mga college sitcoms ang college life. Walang malakas na tugtugan, walang mala-high school musical na production numbers at higit sa lahat, walang mga monster geniuses na hindi nakikinig sa prof pag lecture tapos pag tinawag sa recitation nung araw din na yun eh alam ang sagot. Kailangan ko pa atang magpakagat sa isang radioactive na gagamba para lang magkaroon ng ganung super senses. How I wish...

Yun lang muna...may part two pa to..kaso inaatake nanaman ako ni pareng katamaran...sana natutunan nio ding gumawa ng improvised na seatbelt sa ride na tinatawag kong RTU...kasi kung nde, wla kaung laban kay pareng inertia at sa asawa niang si gravity...dahil napatunayan kong nde pala kaya ng centrifugal at centripetal force na pantayan ang pagsasanib kame hame wave nila...

I love you guys...

-Iris

Wednesday, August 19, 2009

Ang simula ng pag angal sa mga bagay bagay sa mundo

Pera

Yan naman ang parating problema ng mga tao sa mundo, at halos lahat ng krimen, problema, kalungkutan, at kahit sino man, diyan nag-uugat. Sa simpleng papel na may sukat, kakaibang amoy, at kakaibang mga sulat. Sa simpleng papel na yun, umiikot ang buhay ng tao. Imbis na tayong mga nilalang na gumagalaw at may sariling isip ang nagpapatakbo ng buhay natin, nadadaig tayo ng bagay ng tayo rin naman ang gumawa na kung tutuusin e pwede naman tayong mabuhay ng wala (yun eh kung lahat ng tao walang pera pero kung ikaw lang ang walang pera gudlak sayo xDD0

Teka teka...bago yang mga violet, este violent reactions niyo basahin niyo muna to ng buo; hindi naman kasama sa 3 basic needs ng tao ang pera ah (para sa mga batang ages 3 and below o mga taong may utak na pang ages 3 and below, ang 3 basic needs po ay food, clothing, and shelter). Pero kung ang inaangal niyo eh "diba kelangan ng pera para dun" ang sagot ay OO. Pero bakit ang mga sinaunang tao nabuhay ng walang pera? Sila ang nagproproduce ng mga kailangan nila para sa sarili nila; kahit naman nung panahon ng sistemang barter di ba? Palitan lang ng merchandise?

Kitams! Kaya lang naman nagkaroon din ng polusyon ay dahil sa mga bagay na binibili ng pera. Para sa gawaing nabibili ng pera. Para sa sitwasyong nabibili ng pera. Imagine; nasa yo na lahat ng bagay na pwedeng bilhin ng pera sa mundo at may pera ka pa...tapos nun ano? ano na? wala lang mayaman ka lang. Pag namatay ka ba mabibili mo ba kay god yung posisyon mo sa langit? May hinihingi bang entrance fee si San Pedro para makapasok ka sa gate? Alam ko wala naman diba? Alam ko kasi wala nang kailangang bilhin dun; wala nang kurakot, wala nang nasisilaw sa papel na yun. Lahat libre, lahat maayos, walang sugapa.

Kung tutuusin, masasabi kong nagawa lang naman ang pera dahil sa mga taong sugapa sa mga bagay. Yun bang mga taong greeedy? Tung mga taong walang pakielam sa ibang taong may pangangailangan. kaya yun sigurong taong nagimbento ng pera inisip lang siguro niya yung kapakanan nung mga taong napagiiwanan. Kaso naabuso nanaman ng reincarnation ng mga garapal noon ang pera ngayon. Naabuso kaya naging masama..parang telenobela lang

Tama na nga andrama na tuloy. Ewan ko ba kung bakit ako problemado din sa pera

Epekto ata ng recession xDD

O! dahil nagbasa ka may tax; 20 pesos per word. O, angal ka? eh copyrighted to eh!

diba nakakatakot makasalamuha ng taong ganid sa pera?

pano pa kaya kung ikaw mismo yun?

Tandaan, kasama sa seven deadly sins ang GREED xD

Monday, June 29, 2009

Pritong Tokwa!

Ang buhay parang sociology....minsan Boring (depende sa teacher) minsan nakakatakot pero kahit anong minority man ng grade kelangan yan para makapasa ng isang sem...

Tuesday, ang pinakaboring na day after ng Filipino...wla na kasing gaanong gagawin at wala na ring kwenta ang mga teacher ngayong nagpakita na yung totoong socio teacher namin...grabe hardcore! Para siyang si mam botany da second! Sa sobrang buhay ng pagtuturo niya lahat kami buhay na buhay... buhay na buhay ang panaginip xDD

Buti na lang wlang botany ngayon..ay Grabe kung tutuusin siguradong braindead nanaman kasi ako sa botany kaya mas okay nang wla nlng...takte tlgang teacher yun bwiset....

Maiba...lakwatsa mode muna ako ngayon nakakatamad sa pinas eh...

(eating fingers....lady fingers....in short broas!)

Monday, June 22, 2009

Anak ng tokwa...

Tingnan mo nga naman tuesday nanaman!! hoho~!! nakuha ko na ung p.E. uniform ko pero wala pa ata ako sa mood isuot...pasaway na bata...

Ano nga ba ulit yung nangyari ngayon?...

Ah oo may nakaalam na nga pala kung bakit ako nag iinflict ng self medication para sa depression! (in short, naglalaslas ng kung ano ano xD) pero okay lang, para sakin hindi ko na iniisip yun, dekorasyong masalimuot na lang yun sa libro ng buhay ko na kahit anong gawin kong kalimot eh babalik at babalik pa rin habang may nagpapaalala, nagsisisi tuloy ako kung bakit ako naglaslas...lalo ko lang kasing naaalala eh hindi naman ako natigok...siguro may plano pa sakin si God, malay niyo mauso ang scars ng laslas sa year 2020 akopa gawing model! Oha! wuhahahaha!!~~

year 2020? ilang taon nako nun?

eniweys...

masaya ako kasi wala pa ring sociology hanggang ngayon! (Yay!) pero hindi ko maisip kung anong isasagot ko pagdating ng prelims at kung masaya pa rin ako pagdating nun xDD tae kasing prof namin yan. binayaran siya para magturo hindi para magbakasyon....ano kayang mararamdaman niya pag siya yung kinuttingan namen...di siguro xDD

Nadagdag na din pala sa grupo si Neil.. hindi tulad ni Psyche, medyo may class naman siya kahit Bi siya at kung tutuusin mature siyang tingnan. Kala nga namin noon straight siya kaso biglang nagsalita...ayun tugshung! Ang milagro ng boses xDD

buti pa mga tomboy konti lang nagbabago sa boses nila...hindi ko talaga lubos maisip kung bakit pag ang bakla nagiging bakla tumataas din pati boses...ano bang ginagawa nila sa voicebox nila? Iniipit ng curling iron para magkaron ng kulot? xDD

Gutom na ata ako o constipated kasi nagrarambol na ata yung tiyan at utak ko eh...sa sobrang dami kong gustong isulat di ko alam kung saan magsisimula...ay nakapagsimula na pala ako hoho, i mean di ko alam kung pano pagdudugtungdugtungin yung mga salita...

ika nga ni mam Pinca, ang wika ay ...anu yun? nakalimutan ko na xDD

Gudlak nalang sa thursday..sana hindi muna lumabas yung pagkabano ko sa Math...ayokong magkaron ng tres >.<

(eating poste...este cake xDD)

Saturday, June 20, 2009

Bagong Simula, Bagong pagkakaibigan

1st year college...

ibang klase pla talaga ang mundo ng kolehiyo...andamign pasikot-sikot...andaming bagong eksena, at maraming bagong dadapaang hagdanan (siguro pramis madadapa nnmn ako ngayong taong ito..hindi lilipas ang taon nang hindi ako nadadapa xDD)

malakas ang hangin nun, 1st day ng klase, papasok na ako. May major outbreak ng isang major na sakit na wla pang major na gamot noon kaya nadelay ng isang linggo ang klase na nagbunsod ng pagkaexcite ko kaya nakalimutan kong dalin ung alcohol ko..

anak ng tokwa...bakit noon pa...


anyways, isinantabi ko muna yun kasi there's no use crying over spilled milk diba? Ika nga nila never say die...pero wlang konek yun dun sa nararamdaman ko kaya nevermind xDD

natunton ko na din ung classroom ko...grabe angtaas wahaha napagod ako sa pag akyat nakalimutan ko kasing may elevator nga pla sa school...pwahaha!!

umupo na ako sa isang upuan sa gitna ng room. Maiingay na ung mga nasa likod ko, marahil nagkakilakilala na sila ng lubusan, pero ako tahimik muna, pa-demure effect...di kasi dpat ilabas ang totoo sa unang araw...baka matakot sila ahahaha!!~~

so dumating na yung teacher namin...grabe ang lakas ng boses niya, sa sobrang lakas parang gusto ko siyang bigyan ng megaphone para naman marinig ko xDD dahil sa first day nga hindi na siya masyadong nagpahaba ng lesson at pumunta na kami ng lab kasi siya din ang guro namin doon.

sa laboratoryo ko nakilala ang isang babaeng magiging malapit ko plang kaibigan sa mga susunod na araw. Cristina ang pangalan niya, Maria Cristina nga sa katotohanan...babaeng babaeng pilipina ang dating no? Diyan ka nagkakamali xD sa umpisa lang yun! After ng lesson lumabas na ang pagka krung-krung niya at ang pagka krung-krung niyang yun ang nagustuhan ko sa kanya xDD

lunchbreak: pinakilala sa akin ni Tina ang isang babaeng kala ko ay suplada; Regine ang pangalan niya at gaya ng katukayo niyang si Regine Velasquez, super hanep din siyang kumanta. Siya din ang nagpaalam sa akin na may choir pla sa school. Salamat Reg tenkyu xDD

umakyat na ulit kami, dumagdag sa grupo si Mitch..ayan buo na kaming apat. Walang pangalan ang grupo namin at ayaw ko nang pangalanan kasi mawawala ang independent personalities namin pag nagkaroon kami ng ganoon. Yun kasi ang hirap pag may pangalan ung grupo niyo, lalo na kung yung pangalan eh katangian or something na nagbibind sa inyo. Mahirap kasing magexpand ang group kung magsstick to the name kami...kaya yun wag nlng xDD

Let's meet the boys...

Una naming nakita noon si Conrad. Una, ang tingin namin sakanya, suplado at mayabang, siya pero after a few days napatunayan naming ganun nga tlga siya. Wahaha jowk lang Conrad! Peace tayo! Lam mo namang mahal kita eh wahaha as a friend lng huy! (may nag aayee kasi sa likod ko, nililinaw ko lng! xD mahal ko lahat ng kaibigan ko syempre wlang malisya yun xD) pero nung mga wednesday siguro hindi na ganoon ang tingin namin sakanya kasi open din naman pla siya for friendship kaya nasama na siya samin. Pagpnta sa mega kasama ng iba pang boys xD

Si Steve naman, nakilala namin nung kalahati ng first day. Hindi kasi siya pumasok nung umaga kasi nagpagupit pa daw siya. Para siyang nawawalang tupa nun ahaha! xD

Si Djowel: silent pero deadly pla (naks wahaha) Siya ata si Mr. Nice Guy ng group pero ewan ko lng ah wahaha peace xDD

Si Raymark: mR skaterboy. ung dude na maraming scandal sa cellphone ahaha peace Mark xD ui hanggang ngayon di ka pa nagbloblow out sa pagkapanalo mo wahahah xDD

Si Jervin: ang guitarista...actually dalawa sila ni mark pero especiality niya ata ung eraserheads xDD

Si Ronald: ang kuya ng grupo. Mabait to pramis !

at last but not the least si Jeson a.k.a. Psyche: ang one and only Mr. and Ms. Biology combined! xD grabe hardcore kasama to at walang boring moment pag siya ang kausap mo. It's either gugulong ka sa kakatawa or gumugulong ka na sa kakatawa xDD (see the difference? xDD)

alam kong marami pa kong dapat tuklasin, marami pa kong dapat malaman, pero sila ang dahilan kung bakit ako nagpupursige ng pagaaral, sila ang dahilan kung bakit nagsusumikap ako...kasi binibigyan nila ako ng pag-asa at lakas ng loob...sila...at ang mga taong minamahal ko. ^^~

drama wahahaha

next time kwekwento ko naman ng buo ung mga nangyayari wahahaha



Sunday, March 22, 2009

So Empty?

Hanak tlga ng tokwa......bkt ba nagkakaganito?


may isang mgandang pamilya na nabuo...masaya ang lahat....maganda ang samahan, maganda ang pkikitungo sa ibang mamamayan,,,,,,,tunghayan natin kung pno ang mgandang smahan na ito ay bglang naglaho...


drama no? but it's true...

bkt lahat ng magagandang bagay sa mundo may katapusan? Bakit ang bilis matapos ng kasiyahan ngunit ang kalungkutan sadyang napakabagal umusad.....bakit kailangang may tumulong mga luha? Bakit kailangang mapawi ang mga ngiti? Bakit kailangan ng sakit? Bakit hindi nlng maalis ang pighati...


omaygash....brain dead mowd??

hanak tlga ng tokwa....wla sa mood magsulat.....tsaka ko nlng papatinuin to...


---troubled thoughts.....got to burp >.<