CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Monday, June 29, 2009

Pritong Tokwa!

Ang buhay parang sociology....minsan Boring (depende sa teacher) minsan nakakatakot pero kahit anong minority man ng grade kelangan yan para makapasa ng isang sem...

Tuesday, ang pinakaboring na day after ng Filipino...wla na kasing gaanong gagawin at wala na ring kwenta ang mga teacher ngayong nagpakita na yung totoong socio teacher namin...grabe hardcore! Para siyang si mam botany da second! Sa sobrang buhay ng pagtuturo niya lahat kami buhay na buhay... buhay na buhay ang panaginip xDD

Buti na lang wlang botany ngayon..ay Grabe kung tutuusin siguradong braindead nanaman kasi ako sa botany kaya mas okay nang wla nlng...takte tlgang teacher yun bwiset....

Maiba...lakwatsa mode muna ako ngayon nakakatamad sa pinas eh...

(eating fingers....lady fingers....in short broas!)

Monday, June 22, 2009

Anak ng tokwa...

Tingnan mo nga naman tuesday nanaman!! hoho~!! nakuha ko na ung p.E. uniform ko pero wala pa ata ako sa mood isuot...pasaway na bata...

Ano nga ba ulit yung nangyari ngayon?...

Ah oo may nakaalam na nga pala kung bakit ako nag iinflict ng self medication para sa depression! (in short, naglalaslas ng kung ano ano xD) pero okay lang, para sakin hindi ko na iniisip yun, dekorasyong masalimuot na lang yun sa libro ng buhay ko na kahit anong gawin kong kalimot eh babalik at babalik pa rin habang may nagpapaalala, nagsisisi tuloy ako kung bakit ako naglaslas...lalo ko lang kasing naaalala eh hindi naman ako natigok...siguro may plano pa sakin si God, malay niyo mauso ang scars ng laslas sa year 2020 akopa gawing model! Oha! wuhahahaha!!~~

year 2020? ilang taon nako nun?

eniweys...

masaya ako kasi wala pa ring sociology hanggang ngayon! (Yay!) pero hindi ko maisip kung anong isasagot ko pagdating ng prelims at kung masaya pa rin ako pagdating nun xDD tae kasing prof namin yan. binayaran siya para magturo hindi para magbakasyon....ano kayang mararamdaman niya pag siya yung kinuttingan namen...di siguro xDD

Nadagdag na din pala sa grupo si Neil.. hindi tulad ni Psyche, medyo may class naman siya kahit Bi siya at kung tutuusin mature siyang tingnan. Kala nga namin noon straight siya kaso biglang nagsalita...ayun tugshung! Ang milagro ng boses xDD

buti pa mga tomboy konti lang nagbabago sa boses nila...hindi ko talaga lubos maisip kung bakit pag ang bakla nagiging bakla tumataas din pati boses...ano bang ginagawa nila sa voicebox nila? Iniipit ng curling iron para magkaron ng kulot? xDD

Gutom na ata ako o constipated kasi nagrarambol na ata yung tiyan at utak ko eh...sa sobrang dami kong gustong isulat di ko alam kung saan magsisimula...ay nakapagsimula na pala ako hoho, i mean di ko alam kung pano pagdudugtungdugtungin yung mga salita...

ika nga ni mam Pinca, ang wika ay ...anu yun? nakalimutan ko na xDD

Gudlak nalang sa thursday..sana hindi muna lumabas yung pagkabano ko sa Math...ayokong magkaron ng tres >.<

(eating poste...este cake xDD)

Saturday, June 20, 2009

Bagong Simula, Bagong pagkakaibigan

1st year college...

ibang klase pla talaga ang mundo ng kolehiyo...andamign pasikot-sikot...andaming bagong eksena, at maraming bagong dadapaang hagdanan (siguro pramis madadapa nnmn ako ngayong taong ito..hindi lilipas ang taon nang hindi ako nadadapa xDD)

malakas ang hangin nun, 1st day ng klase, papasok na ako. May major outbreak ng isang major na sakit na wla pang major na gamot noon kaya nadelay ng isang linggo ang klase na nagbunsod ng pagkaexcite ko kaya nakalimutan kong dalin ung alcohol ko..

anak ng tokwa...bakit noon pa...


anyways, isinantabi ko muna yun kasi there's no use crying over spilled milk diba? Ika nga nila never say die...pero wlang konek yun dun sa nararamdaman ko kaya nevermind xDD

natunton ko na din ung classroom ko...grabe angtaas wahaha napagod ako sa pag akyat nakalimutan ko kasing may elevator nga pla sa school...pwahaha!!

umupo na ako sa isang upuan sa gitna ng room. Maiingay na ung mga nasa likod ko, marahil nagkakilakilala na sila ng lubusan, pero ako tahimik muna, pa-demure effect...di kasi dpat ilabas ang totoo sa unang araw...baka matakot sila ahahaha!!~~

so dumating na yung teacher namin...grabe ang lakas ng boses niya, sa sobrang lakas parang gusto ko siyang bigyan ng megaphone para naman marinig ko xDD dahil sa first day nga hindi na siya masyadong nagpahaba ng lesson at pumunta na kami ng lab kasi siya din ang guro namin doon.

sa laboratoryo ko nakilala ang isang babaeng magiging malapit ko plang kaibigan sa mga susunod na araw. Cristina ang pangalan niya, Maria Cristina nga sa katotohanan...babaeng babaeng pilipina ang dating no? Diyan ka nagkakamali xD sa umpisa lang yun! After ng lesson lumabas na ang pagka krung-krung niya at ang pagka krung-krung niyang yun ang nagustuhan ko sa kanya xDD

lunchbreak: pinakilala sa akin ni Tina ang isang babaeng kala ko ay suplada; Regine ang pangalan niya at gaya ng katukayo niyang si Regine Velasquez, super hanep din siyang kumanta. Siya din ang nagpaalam sa akin na may choir pla sa school. Salamat Reg tenkyu xDD

umakyat na ulit kami, dumagdag sa grupo si Mitch..ayan buo na kaming apat. Walang pangalan ang grupo namin at ayaw ko nang pangalanan kasi mawawala ang independent personalities namin pag nagkaroon kami ng ganoon. Yun kasi ang hirap pag may pangalan ung grupo niyo, lalo na kung yung pangalan eh katangian or something na nagbibind sa inyo. Mahirap kasing magexpand ang group kung magsstick to the name kami...kaya yun wag nlng xDD

Let's meet the boys...

Una naming nakita noon si Conrad. Una, ang tingin namin sakanya, suplado at mayabang, siya pero after a few days napatunayan naming ganun nga tlga siya. Wahaha jowk lang Conrad! Peace tayo! Lam mo namang mahal kita eh wahaha as a friend lng huy! (may nag aayee kasi sa likod ko, nililinaw ko lng! xD mahal ko lahat ng kaibigan ko syempre wlang malisya yun xD) pero nung mga wednesday siguro hindi na ganoon ang tingin namin sakanya kasi open din naman pla siya for friendship kaya nasama na siya samin. Pagpnta sa mega kasama ng iba pang boys xD

Si Steve naman, nakilala namin nung kalahati ng first day. Hindi kasi siya pumasok nung umaga kasi nagpagupit pa daw siya. Para siyang nawawalang tupa nun ahaha! xD

Si Djowel: silent pero deadly pla (naks wahaha) Siya ata si Mr. Nice Guy ng group pero ewan ko lng ah wahaha peace xDD

Si Raymark: mR skaterboy. ung dude na maraming scandal sa cellphone ahaha peace Mark xD ui hanggang ngayon di ka pa nagbloblow out sa pagkapanalo mo wahahah xDD

Si Jervin: ang guitarista...actually dalawa sila ni mark pero especiality niya ata ung eraserheads xDD

Si Ronald: ang kuya ng grupo. Mabait to pramis !

at last but not the least si Jeson a.k.a. Psyche: ang one and only Mr. and Ms. Biology combined! xD grabe hardcore kasama to at walang boring moment pag siya ang kausap mo. It's either gugulong ka sa kakatawa or gumugulong ka na sa kakatawa xDD (see the difference? xDD)

alam kong marami pa kong dapat tuklasin, marami pa kong dapat malaman, pero sila ang dahilan kung bakit ako nagpupursige ng pagaaral, sila ang dahilan kung bakit nagsusumikap ako...kasi binibigyan nila ako ng pag-asa at lakas ng loob...sila...at ang mga taong minamahal ko. ^^~

drama wahahaha

next time kwekwento ko naman ng buo ung mga nangyayari wahahaha